PH Embassy sa Türkiye inaalam pa kung may mga Pinoy na nadamay sa malakas na lindol doon

Nagpaabot ng pakikiramay ang Embahada ng Pilipinas sa Ankara sa mga pamilya at mga mahal sa buhay ng mga nasawi bunsod ng malakas na lindol sa Gaziantep.

Sa isang statement, sinabi ng Philippine Embassy na patuloy ito na nakikipagugnayan sa Filipino communities at iba pang contacts sa rehiyon.

Courtesy: AFP

Pero wala pa itong natatanggap na ulat ng Filipino casualties sa mga apektadong probinsya.

Tiniyak ng embahada na handa itong tumulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng lindol.

Sa tala ng Department of Foreign Affairs, tinatayang 4,006 ang mga Pinoy sa Türkiye na karamihan ay nasa Istanbul.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *