PH, UK palalakasin ang Maritime cooperation

Asahan na ang mas pina-igting na maritime cooperation sa pagitan ng United Kingdom at Pilipinas.

Ito ang tiniyak ni UK Minister for Indo-Pacific Anne Marie Trevelyan sa pagbisita nito sa Philippine Coast Guard (PCG).

Katunayan sinabi ni Trevelyan na dinagdagan na ng UK ang kanilang maritime engagement sa Pilipinas.

Nitong nakaraang taon ay lumahok din aniya ang kanilang naval force sa joint exercise sa Pilipinas.

Ayon naman kay PCG Commandant Artemio Abu, kabilang sa kanilang natalakay ay ang pagtataguyod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ito ay para matiyak ang kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific Region.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *