Pharmaceutical Co. mula India, nag-aaplay na rin ng EUA sa PHL para sa kanilang COVID-19 vaccine

Nag-aplay narin ng Emergency Use Authorization (EUA) sa Food and Drug Administration (FDA) ang Bharat Biotech ng India para sa kanilang COVID-19 vaccine.

Ito ang kinumpirma ni FDA Director General Eric Domingo.

Ayon kay Domingo, kaninang umaga lamang nagsumite ng aplikasyon sa kanila.

Sa ngayon ay sumasailalim na aniya sa pre evaluation ang aplikasyon ng nasabing pharmaceutical company.

Ilan sa mga nag-aaplay rin ng EUA sa FDA ay ang AstraZeneca, Gamaleya Institute of Russia at Sinovac ng China.

Madz Moratillo

Please follow and like us: