Philhealth Executive VP Arnel de Jesus, itinalagang OIC ng Philhealth

Kinumpirma ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na may napili nang Officer- in-Charge para sa Philhealth.

Ayon kay Vergeire, siya ay si Arnel de Jesus, na siyang Executive Vice- President ng Philhealth.

Ang pagtatalaga kay De Jesus ay kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni Ricardo Morales bilang Presidente at CEO ng Philhealth.

Inaprubahan ng board kahapon ang designation kay De Jesus bilang OIC ng Philhealth.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang may gusto na magresign si Morales dahil sa “health issues” nito.

Matatandaang una ng inanunsyo ni Morales na mayroon siyang sakit na Lymphoma, sa gitna ng alegasyong katiwalian laban sa Philhealth.

Madz Moratillo

Please follow and like us: