Philippine Arena, gumawa ng kasaysayan: Mga dumalo sa FIBA World Cup, umakyat sa 38,115
![](https://www.radyoagila.com/wp-content/uploads/2023/08/FIBA-1.jpeg)
Umabot sa impresibong 38, 115 ang mga nanood sa FIBA World Cup opener kung saan naglaban ang Dominican Republic at Gilas Pilipinas, sa iconic Philippine Arena sa Bulacan.
![](https://www.radyoagila.com/wp-content/uploads/2023/08/FIBA-2-480x320.jpg)
Philippine President Ferdinand Marcos Jr. (3R) greets Philippines’ players during the FIBA Basketball World Cup group A match between Philippines and Dominican Republic at Philippine Arena in Bocaue on August 25, 2023. (Photo by JAM STA ROSA / AFP)
Opisyal na kinumpirma ng FIFA ang malaking bilang na ito ng mga manonood, na nadaig ang 32, 616 na dumalo sa 1994 World Cup U.S.-Russia final sa Toronto, Canada.
Naging saksi sa napakahalagang kaganapang ito si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na dumalo sa inaugural day ng laro.
![](https://www.radyoagila.com/wp-content/uploads/2023/08/FIBA-3-403x320.jpg)
Dominican Republic’s LJ Figueroa (L) soars for a slam against Philippines’ Jamie Malonzo (R) during the FIBA Basketball World Cup group A match between Philippines and Dominican Republic at Philippine Arena in Bocaue on August 25, 2023. (Photo by SHERWIN VARDELEON / AFP)
Ito ang tanda ng pagsisimula ng ika-19 na edisyon ng torneo, na inaasahang aakit sa mga mahihilig sa basketball hanggang Setyembre 10.
(FIBA/Philippine News Agency/Agencies)