Philippine Coconut Authority nagkaloob ng tulong sa Aurora

Pinagkalooban ng Philippine Coconut Authority (PCA) ng tatlong libong pisong cash at dalawang libong pisong halaga ng mga pagkain gaya ng 25-kilo ng bugas, 40 piraso ng itlog at 3 kilo ng manok, ang coconut farmers sa Aurora.

Pinangunahan ito ni Vice Mayor Tristan “Tit-tan” O. Pimentel sa atas ni Mayor Ariel Angara de Jesus, katuwang ang mga Konsehal na sina Claro Olivar, Loy Pimentel, Lorna Bihasa Cruz, Unchu Wee, Sec. Bobby Rigor at MDRRMO Gavz Llave.

Limampu’t limang coconut farmers mula sa bayan ng San Luis, 4 mula sa bayan ng Baler at isa mula sa bayan ng Dipaculao ang masuwerteng nabiyayaan.

Ang pagkakaloob ng ayuda ay ginanap sa Barangay Diteki at sa Barangay San Jose.

Ulat ni Pauline Marie Villamar

Please follow and like us: