PHIVOLCS, binawi na ang ipinalabas na tsunami advisory

Binawi na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang ipinalabas nitong tsunami advisory.

Kaugnay ito ng magnitude 8.1 na lindol na tumama sa Mexico.

Ayon kay Phivolcs Seismology Division OIC Ishmael Narag, maliit ang posibilidad na may tatamang tsunami sa Eastern seaboard ng Pilipinas.

Matatandaan na inalerto ng Phivolcs ang mga residente sa coastal areas sa seaboard ng bansa.

Maging ang Malakanyang ay umapela sa publiko na maging alerto sa banta ng tsunami lalo na ang mga residenteng nakatira sa coastal communities.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *