Pilipinas, nasa ika-15 puwesto sa Medal Tally sa Asian Games sa Hangzhou, China

Photo courtesy of Phil. Sports Comm. FB

Nasa pang-15 puwesto ang Pilipinas sa Medal Tally sa 19th Asian Games na kasalukuyang idinaraos sa Hangzhou, China.

Ito ay matapos makuha ng bansa ang una nitong tansong medalya sa Men’s Individual event ng Taekwondo.

Photo Courtesy of Phil. Sports Comm. FB

Sa pamamagitan ng pinagsamang “speed and grace,” nagawang talunin ni Patrick King Perez ang unang dalawa niyang nakalaban bago siya tinalo ng Asia’s No. 2 na si Ma Yun Zhong ng Chinese Taipei sa semifinal ng freestyle event sa Lin’an Sports Culture and Exhibition Centre, upang makuha ang bronze medal.

Samantala, wagi ang Pilipinas laban sa Vietnam sa score na 1-0, dahilan para makuha ng bansa ang ikalawang puwesto sa #WACU17 Qualifiers.

Photo Courtesy of Phil. Sports Comm. FB

Ipinakita ni Isabella Preston ang kaniyang galing, matapos sipain ang winning goal sa pamamagitan ng nakamamanghang free kick sa 56th minute ng laro.

PNA / Phil. Sports Commission FB

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *