Pito katao patay matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Boracay

Pito ang patay matapos na tumaob ang kanilang sinasakyang Dragon Boat sa karagatang sakop ng Boracay.

Sa ulat ng Philippine Coastguard, 21 ng myembro ng Boracay Dragon Force team ang sakay ng dragon boat ng tumaob ito sa bahagi ng Sitio Lingganay sa Barangay Manoc-Manoc, alas- 7:40 kaninang umaga.

Labing apat katao naman ang nailigtas mula sa tumaob na Dragon boat habang narekober na rin ang bangkay ng pitong nasawi.

Hindi naman muna pinangalanan ang mga biktima hangga’t hindi pa naipapaalam sa kamag anak ng mga ito ang pangyayari.

Batay sa imbestigasyon, nagpa-practice umano ang Dragon Boat team ng biglang tamaan ng malakas na alon na naging dahilan ng pagtaob nito.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *