Pitong miyembro ng PSG, sugatan matapos tambangan sa Aracan North Cotabato

Sugatan ang pitong miyembro ng Presidential Security Group matapos tambangan ang sinasakyan nilang convoy sa Aracan North Cotabato.

Ayon kay Brig. Gen. Gilbert Gapay, Deputy commander ng Eastern Mindanao Command ng AFP, nasa 100 miyembro ng mga hinihinalang New Peoples Army ang nasa likod ng pananambang.

Naganap ang pananambang sa two-vehicle convoy ng PSG sa Barangay Gambudes, Katipunan sa Bayan ng Aracan.

Dagdag pa ni Gapay , nasa lugar para sa preposition ang PSG members subalit hindi matukoy ng opisyal kung ito ay dahil sa nakatakdang magtungo doon si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *