PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., nagsumite na ng courtesy resignation

Nagsumite na ng courtesy resignation si PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.

Ito’y para patunayang malinis ang kanyang konsensya at hindi siya dawit sa anumang illegal drugs operations.

Sinabi ni Azurin na bukod sa kanya kumasa na rin sa panawagang courtesy resignation ni DILG Secretary Benhur Abalos ang mga miyembro ng PNP Command Group.

Aabot sa 956 na mga heneral at mga full colonels na sakop ng kautusan.

Nakausap niya raw ang mga ito matapos dumalo sa command conference pero mayorya sa kanila tumatangging magbitiw ng serbisyo.

Pero pinayuhan niya raw ang mga ito na unahin ang interes ng buong konstitusyon na nalalagay ngayon sa kahihiyan dahil sa pagkakadawit ng ilan nilang opisyal.

Sa buong puwersa ng PNP, wala pa aniyang sampu ang nadadawit sa illegal drug trade na kasalukuyan nang iniimbestigahan.

Sabi ni Azurin target nilang bago matapos ang January 31, makapagsumite na ang lahat ng kanilang courtesy resignation at sumailalim sa pagsusuri ng binuong Ad hoc Committee.

Nagsumite na rin sila sa pangulo ng dalawampung pangalan na maaring pagpilian para mamuno sa Ad hoc Committee na siya ring magrerepaso ng resignation ng mg opisyal.

Desidido aniya ang pambansang pulis na linisin na ang kanilang hanay para matigil na ang mga alegasyon na dawit ang PNP sa mga iregularidad.

Madalas na idinadawit ang ilang opisyal sa illegal drug operations tulad ng ninja cops pero hanggang ngayon marami sa mga nadawit at pinangalanan ay hindi pa nakakasuhan.

Sa ngayon mayorya sa kanilang hanay ay dismayado at masama ang loob pero tiniyak na tatalima sila sa utos ni Abalos alang-alang sa giyera kontra droga.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *