PNP, nakapagtala ng 62 pulis na nakarekober sa COVID-19

Nadagdagan pa ng animnapu’t dalawa ( 62 )ang police personnel na gumaling mula sa COVID-19.

Sa tala ng Philippine National Police, umakyat na sa 5,728 ang bilang ng recoveries sa kanilang hanay.

Gayunman, mayroong dalawampu’t walo ( 28 ) pang nadagdag na kaso ng COVID-19 kaya pumalo na ang kabuuang virus infections sa 6,498.

Sa bilang na ito, pitong daan at limampu ( 750 ) na lamang ang aktibong kaso.

Wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya namamalagi sa dalawampu ( 20 ) ang virus death toll sa PNP.

Please follow and like us: