PNP nakapagtala ng 99 bagong mga kaso ng Covid-19

99 karagdagang mga kaso ng Covid-19 ang naitala sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health service ngayong June 21, 2021, pumalo na sa 26,828 ang kabuuang kaso ng virus infection sa PNP.

Gayunman, nakapagtala rin ng 75 bagong mga gumaling sa karamdaman kaya umakyat na sa 24,890 ang recovery cases sa Pambansang Pulisya.

Nanatili naman sa 71 ang death toll ng PNP sa Covid-19

Please follow and like us: