PNP Navotas namahagi ng tulong sa mga senior citizen at mga kabataan sa Navotas City

Kasabay ng pagdiriwang sa ika-123 taon ng Araw ng Kalayaan ngayon, ay namahagi ng tulong ang PNP Navotas sa mga senior citizen, at mga kabataan sa lungsod.

Pinangunahan ito ng hepe ng PNP Navotas na si Pol. Col. Dexter Olagin, at ni Pol. Capt. Adonis Suguini, kung saan nasa mahigit 100 senior citizens ang naka tanggap ng mga bigas at gulay.

Laking pasasalamat naman ng mga nakatatanda sa tinanggap na tulong.

Namahagi rin ng tulong ang PNP Navotas kasama ang PNP Regional Office, sa mga kabataan sa Brgy. NBBN Navotas.

Nagkaroon din ng kaunting programa tungkol sa paglaban kontra droga at terorista, upang ang mga kabataan ay maprotektahan sa pag gamit ng ipinagbabawal na gamot, at pagsali sa mga grupo ng terorista.

Ulat no Mark Leo Pernia

Please follow and like us: