PNPA cadet, patay sa training dahil sa heatstroke

Bigla na lang nawalan ng malay si Cadet 4th Class Al Rasheed Pendatun Macadato habang nagsasagawa ng road run sa Camp Castaneda sa Silang Cavite pasado alas kwatro ng hapon noong martes.

Agad siyang dinala sa kanilang Academy Health Dispensary pero inilipat din sa Qualimed Hospital sa Santa Rosa, Laguna at inilagay sa Intensive Care Unit.

Nagkaroon sila ng exercise at road run at pagkatapos ng road run nila ng ala singko ng hapon habang nagwa-warmdown at stretching ay nakaramdam ng pagkahilo ngunit bandang ala sais ng umaga kahapon binawian din ng buhay si Macadato.

Lumalabas na heat stroke ang ikinamatay ng 21 taong gulang na kadete na nooy nasa summer training ng PNPA.

 Isinantabi na rin ng pamunuan ng akademya ang anggulo na dumanas ng hazing si Macadato dahil wala naming  nakitang indikasyon ang mga doktor na pinahirapan ito.

 Kaninang umaga,  naiuwi na sa kanilang bayan sa Kalilangan, Bukidnon ang labi ni Macadato.

Nangako naman ang pamunuan ng PNPA na bibigyan nila ng sapat na tulong pinansyal ang nauling pamilya ng kadete at sisilipin din kung may mali sa ipinatutupad nilang training program.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *