Police Chief Inspector Jovie Espenido tiniyak na paiiralin ang totoong batas sa pagtupad ng kanyang tungkulin

Tiniyak ng bagong talagang hepe ng Iloilo City na si Police Chief Inspector Jovie Espenido na paiiralin niya ang totoong batas sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Sa panayam ng programang Isyu Ngayon sa Radyo Agila sinabi ni Espenido , na ibibigay niya ang hustisyang nararapat sa sandaling mapatunayan ang kanilang natatanggap na impormasyon hinggil sa operasyon ng illegal drugs sa Iloilo City.

“ Pag-maprove natin kung gaano katotoo ang iinformation na involved sila o hindi . so ganun at talagang ipaiiral natin ang totoong batas wala tayong kinatatakutan ang sa atin managot ang dapat managot maclear natin ang dapat maclear”. – Espenido

Sa ngayon hindi pa matiyak ni Espenido kung kailan siya ipapadala sa Iloilo at sinabi nitong naghihintay na lamang siya ng go signal kung kailan niya kailangang malipat.

Kasabay nito , nagpaabot ng pasasalamat si Espenido sa lahat ng sumusuporta sa pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Duterte sa Iloilo.

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *