PPA tiniyak na handa sa dagsa ng cargo arrivals bunsod ng Chinese New Year

Inaantabayan na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang dagsa ng mga kargamento sa mga shipyard sa bansa sa mga susunod na araw bunsod ng Chinese New Year.

Sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago na handa sila sa inaasahang influx ng cargo arrivals sa mga shipyard sa bansa.

Ayon kay Santiago, sa ngayon ay nasa 82% hanggang 84% ang utilization rate ng mga port yard.

Courtesy: Radyo Agila

Bumaba aniya ito mula sa 111% noong holiday season partikular sa refrigerated shipments.

Tuluy-tuloy din aniya ang kanilang monitoring sa sitwasyon.

Ipinunto ng opisyal na hindi problema kung marami ang dumadating ng mga kargamento basta mabilis at marami ang pullout o inilalabas na mga shipment.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *