Pre-departure deployment para sa eleksyon, sinimulan nang isagawa ng PNP Region 10

Nagsasagawa na ng pre-departure deployment ang PNP-Region 10 ngayong araw bilang paghahanda sa eleksyon sa Lunes, May 13.

Sinabi sa Radyo Agila ni Police Col. Ferdinand Sifeuntes, Deputy Regional Director for Operations na maaga nilang inihahanda ang kanilang mga personnel sa mga nakatalagang lugar.

Nanatili namang payapa ang rehiyon at wala aniya silang natatanggap na banta mula sa mga masasamang elemento.

Bagamat tatlong munisipalidad sa Lanao del Norte ang naitalang may matinding political rivalry, kontrolado na umano ito ng Comelec at PNP.

“As of this time, in place na po ang preparation natin, nakahanda na ang deployment, very peaceful din sa kasalukuyan ang sitwasyon dito sa rehiyon at walang insidente na nangyayari na hindi inaasahan”. – Police Col. Ferdinand Sifuentes, Deputy Regional Director for Operations – Region 10

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *