Presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno balik ulit sa pag-iikot sa Luzon

Pagkatapos mag ikot sa ilang lalawigan sa Mindanao, balik sa pangangampanya na naman si Presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno sa Luzon.

Ngayong araw, binalikan ni Mayor Isko ang Marikina at Rizal na una na niyang binisita sa unang araw ng pagsisimula ng campaign period para sa National candidates.

Maliban sa Marikina, iikutin din ng Team Isko ang Cainta at Taytay sa Rizal.

Maliban sa motorcade ay magsasagawa rin sila ng town hall meetings sa ibat ibang grupo.

Madz Moratillo

Please follow and like us: