Presyo ng LPG, tumaas

Nagpatupad ng dagdag presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo kaninang hatinggabi  ang  dagdag na ₱2.74 sa bawat kilo ng LPG ng Petron.

Katumbas ito ng ₱30.14 na pagtaas sa bawat 11-kilogram cylinder.

May dagdag din ang Petron na ₱1.53 sa bawat litro ng kanilang Auto LPG.

Ang dagdag presyo ay kasunod ng paggalaw ng halaga ng langis sa world market.

Inaasahan namang sunod na ring mag-aanunsyo ng dagdag presyo sa LPG ang iba pang kumpanya ng langis.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *