Price cap para sa RT-PCR wala pa rin- DOH

photo credit: pna.gov.ph

Wala pa ring price cap para sa RT-PCR o COVID-19 swab test.

Ayon kay Department of Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, sa ngayon ay wala pa ring inilalabas na Executive Order ang Pangulo hinggil sa kanilang rekumendasyon na lagyan ng price cap ang mga swab test.

Nabatid na nagsumite rin ang DOH ng kanilang rekumendasyon para sa presyuhan ng mga swab test na magiging basehan sakaling maglabas ng EO.

Ayon kay Vergeire umaasa silang makakapaglabas na ng desisyon ang Pangulo hinggil rito.

Sa ngayon iba- iba kasi aniya ang presyo ng swab test depende sa ospital, klinika, laboratoryo o iba pang kahalintulad na institusyon.

Ang RT-PCR o swab test ang itinuturing na “gold standard” sa Covid-19 testing.

Madz Moratillo

Please follow and like us: