Private hospitals na kakalas na sana sa PhilHealth bumalik na

Bumalik na sa pakikipag-transaksiyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ang mga pribadong pagamutan na nagbantang kakalas na dahil sa pagkabigo ng Philhealth na agad bayaran ang kanilang mga claim.

Sinabi ni Philhealth vice president for corporate affairs Dr. Shirley Domingo, na nasolusyunan na ang isyu sa pagitan ng PhilHealth at ng nabanggit na mga private hospital, kaya balik na sa transaksiyon ang mga ito.

Ayon kay Domingo, halos lahat ng nabanggit na mga ospital ay accredited na.

Sinabi pa niya na patuloy din na nakikipagkasundo ang regional offices ng PhilHealth tungkol sa claims ng mga private hospital.

Tiniyak din ni Domingo na patuloy nilang pinagbubuti ang kanilang sistema, upang mapabilis pa ang automation ng proseso para sa releasing claims ng mga pribadong ospital.

Please follow and like us: