Provincial Local Government Unit ng Kalinga, muling namahagi ng collapsible tent sa mga barangay

Ilang barangay sa Kalinga ang muling tumanggap ng collapsible tents mula sa Provincial Local Govt Unit o PLGU.

Ang pamamahagi ng collapsible tents ay pinangunahan ni Gov. Ferdinand Tubban na isinagawa  mismo sa kapitolyo.

Tinanggap naman ito ng opisyales at mga kinatawan ng barangay na kinabibilangan ng Brgy. Guina-ang, Cagaluan at Balinciagao na sakop ng bayan ng Pasil, Kalinga.

Lubhang mahalaga para sa mga barangay na pinagkalooban ang ganitong kagamitan, sapagkat gagamitin nila ito kapag mayroon silang mga programa o aktibidad sa kanilang lugar at hindi na sila manghihiram pa ng tolda sa kalapit barangay.

Ulat ni Xian Renzo Alejandro

Please follow and like us: