Public assistance operations ng NTC, tiniyak sa long holiday

Mahigpit ang bilin ni National Telecommunications Commission Commissioner Gamaliel Cordoba sa lahat ng kanilang Regional Directors na matiyak ang public assistance operations ngayong long weekend.

Sa isang memorandum, nakasaad na inatasan ang lahat ng Regional Directors ng NTC na makipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, Local Disaster Risk Reduction and Management Councils, Civic Action Groups at Amateur Radio Groups hinggil sa anumang tulong na maaaring ibigay para sa public assistance operations sa kani-kanilang nasasakupang lugar ngayong long weekend.

Pinatutukoy rin ni Cordoba ang mga uri ng assistance na maibibigay ng NTC.

Kabilang rito ang pagbibigay ng temporary permit at lisensya na kailangan upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero patungo sa mga lalawigan.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: