Publiko hindi dapat mag-panic sa mataas na kaso ng Japanese Encephalitis sa bansa

Hindi dapat mag-panic at mangamba ang publiko sa mataas na kaso ng Japanese Encephalitis sa bansa.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Paulyn Ubial sa gitna ng mga ulat na nagkaka-ubusan na ng insect repellent.

Ayon kay Ubial,  nananatili sa 133  kumpirmadong kaso ng Japanese encephalitis ang naitala simula Enero hanggang Agosto 26 kumpara sa 273 kaso sa kaparehong panahon noong isang taon.

Hindi na rin aniya kailangang bigyan ng bakuna ang mga bata dahil bahagi na ito ng  normal endemic diseases o  matagal ng nasa bansa.

Ipinaliwanag naman ni Ubial na tumaas ang naitatalang kaso ng Japanese encephalitis dahil sa pagtatatag ng  acute meningitis and encephalitis syndrome  surveillance noong 2014 sa mga government hospital.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *