Publiko pinag-iingat ng PhilHealth sa mga nagpapanggap na empleyado nila

Binalaan ng pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang publiko na mag-ingat sa ilang inidibidwal na nagpapanggap na empleyado ng ahensya at naniningil ng halaga para sa ID.

Sa abiso ng Philhealth, sinabi nitong natuklasan nila na mayroong mga nagpapanggap at nangungulekta ng fee para sa pag-ayos ng PhilHealth ID.

Sinabi ng PhilHealth na walang bayad ang ID para sa kanilang mga miyembro.

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na makipag-transaksiyon lamang sa PhilHealth Local Office o PhilHealth Express para hindi mabiktima.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *