Purchase order ng isang milyong doses ng Sinovac anti COVID-19 vaccine pirmado – Malakanyang

Napirmahan na ang purchase order para sa isang milyong doses ng Sinovac anti COVID 19 vaccine na bibilhin ng Pilipinas sa China.

Sinabi ni National Task Force o NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na isinumite na sa Chinese Embassy ang pinirmahang purchase order para sa Sinovac anti COVID 19 vaccine.

Ayon kay Galvez inaasahang darating sa bansa ang bibilhing Sinovac anti COVID 19 vaccine bago matapos ang buwan ng Marso.

Inihayag ni Galvez na tuloy-tuloy na ang vaccination program ng pamahalaan dahil sunod-sunod na ang pagdating sa bansa ng mga bakuna laban sa COVID 19.

Niliwanag ni Galvez kung walang aberya sa supply at delivery ng anti COVID 19 vaccine posibleng sa buwan ng Abril ay mapasisimulan na ang pagbabakuna sa mga ordinaryong mamamayan.

Vic Somintac

Please follow and like us: