Putin, sinabihan ni Zelensky na magtungo sa turkey kung nais nitong makipag-usap


Ukranian President Voloydmyr Zelensky speaks during a press conference in the grounds of the Mariinskyi Palace in Kyiv, Ukraine, May 10, 2025. Ludovic Marin/Pool via REUTERS
Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy, na handa siyang makipagkita kay Russian President Vladimir Putin sa Turkey sa Huwebes, makaraang sabihin sa kaniya ni U.S. President Donald Trump na agad tanggapin ang panukala ng Kremlin leader ng direktang usapan.
Ang mungkahi ni Zelenskiy nang pakikipagpulong kay Putin, ang tumapos sa itinuturing na “dramatic 48 hours,” kung saan kasama ang European leaders ay nagdemand si Zelenskiy ng isang tatlompung araw na tigil-putukan simula Lunes, ngunit si Putin ay nagpahayag ng isang counter-proposal na magkaroon ng kauna-unahang “direct Ukraine-Russia talks,” mula nang mangyari ang 2022 invasion.
Gayunman, hindi malinaw kung personal itong dadaluhan ni Putin. Siya at si Zelenskiy ay hindi pa nagkita simula noong December 2019 at hindi rin itinago ang kanilang disgusto sa isa’t isa.
Sa kaniyang post sa X ay sinabi ni Zelensky, “I will be waiting for Putin in Türkiye on Thursday. Personally, I hope that this time the Russians will not look for excuses.”
Idinagdag naman ng kaniyang chief of staff na si Andriy Yermak sa Telegram, “What about Putin? Is he afraid? We’ll see.”
Maingat na tumugon ang pinuno ng Ukraine noong Linggo, matapos na ang pangulo ng Russia, sa isang panggabing pahayag sa telebisyon na kasabay ng prime time sa U.S., ay nagmungkahi ng direktang pag-uusap sa Istanbul sa susunod na Huwebes, Mayo 15.

Ukrainian President Volodymyr Zelensky, British Prime Minister Keir Starmer and French President Emmanuel Macron visit the Memorial Wall of Fallen Defenders of Ukraine, in Kyiv, Ukraine, May 10, 2025. Stefan Rousseau/Pool via REUTERS
Ang suhestyon ni Putin ay ginawa ilang oras matapos i-demand ng malalaking European powers noong Sabado sa Kyiv, na sumang-ayon ito sa isang walang kundisyong 30-araw na tigil-putukan o humarap sa “napakalaking” mga bagong sanction, isang posisyon na inendorso ni Ukraine envoy ni Trump na si Keith Kellogg.
Sinabi ni Zelenskiy, handa rin ang Ukraine para sa pag-uusap, kung papayag ang Moscow sa 30-day ceasefire.
Sa isang post sa Truth Social ay sinabi ni Trump, “President Putin of Russia doesn’t want to have a Cease Fire Agreement with Ukraine, but rather wants to meet on Thursday, in Turkey, to negotiate a possible end to the BLOODBATH. Ukraine should agree to this, IMMEDIATELY. At least they will be able to determine whether or not a deal is possible, and if it is not, European leaders, and the U.S., will know where everything stands, and can proceed accordingly!”
Ibinasura ni Putin ang aniya’y isang pagtatangka na magtakda ng mga “ultimatum” sa anyo ng mga kahilingan ng Western European at Ukrainne para sa isang tigil-putukan simula ngayong Lunes.

Russian President Vladimir Putin gives a statement to the media at the Kremlin in Moscow, Russia May 11, 2025. Sergey Bobylev/Host agency RIA Novosti/Handout via REUTERS
Sinabi ng foreign ministry ni Putin, na ang ugat nang salungatan ang dapat mauna sa mga talakayan kaysa ceasefire.
Bagama’g hindi nag-commit ang Russia, sinabi ni Zelenskiy na ang planong tigil-putukan para ngayong Lunes ay mananatili.
Ani Zelensky, “We await a full and lasting ceasefire, starting from tomorrow, to provide the necessary basis for diplomacy.’
Aniya, “I was still waiting for a response from the Russian side – and that Ukrainian forces would respond in kind if Russian troops did not observe a truce.”
Nagpalabas naman ng babala ang U.S. embassy sa Kyiv, ng isang “potentially significant” Russian air attack sa mga susunod na araw.