Quiboloy,  ipinaaresto na ng korte sa Davao

Ipinag-utos na ng hukuman sa Davao City ang pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy kaugnay sa mga kasong child abuse at sexual abuse.

Ito ay batay sa arrest order na inisyu ng Davao City Regional Trial Court Branch 12 na may petsang Abril 1, 2024.

Bukod kay Quiboloy, ipinaaresto rin ng hukuman ang limang iba pang kapwa akusado ni Quiboloy.

Una nang nag-isyu ang nasabing korte ng arrest order laban kina Quiboloy noong Marso 14 matapos makitaan ng probable cause ang kaso.

Pero hindi ito ipinatupad kasunod ng motion for reconsideration ng kampo ni Quiboloy na inihain sa  Department of Justice (DOJ).

Ayon sa Davao RTC, wala pa itong natatanggap na kopya ng resolusyon sa apela ni Quiboloy at lumipas na ang makatuwirang panahon kaya marapat nang ipatupad ang arrest order laban sa mga akusado.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *