Rachelle Ann Go gaganap na Fantine sa ‘Les Miserables’ para sa UK at Ireland tour

Michael Loccisano/Getty Images/AFP 
Michael loccisano / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

Nakatakdang gumanap ni Rachelle Ann Go bilang Fantine sa legendary musical na “Les Miserables,” para sa nalalapit na United Kingdom (UK) at Ireland tour ngayong Mayo.

Unang nakilala ang UK-based Filipina actress noong 2014 para sa West End revival ng hit musical na “Miss Saigon,” kung saan ginampanan niya ang papel ni Gigi Van Tranh, pagkatapos ay gumanap siyang muli bilang Gigi sa Broadway revival ng “Miss Saigon” noong March 2017 sa kaniyang Broadway debut.

Ginampanan ni Go ang iconic role ni Fantine sa West End production ng “Les Miserables” noong 2015, para sa 30th anniversary staging ng “Les Misérables” at gayundin sa Asian tour nito. 

Ang nalalapit na muling pagganap ni Rachelle bilang Fantine ay inanunsiyo ng production agency ng show noong Huwebes, April 21 sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.

Noong September 2021, si Go ay pumapel bilang Fantine sa “Les Miserables: The Staged Concert,” ang West End concert version ng hit musical sa London, kung saan nag-perform siya para sa anim na shows mula August 31 hanggang September 4.

Ang “Les Miserables” ay isang musical na naka-base sa French historical book ni Victor Hugo na may katulad na pamagat at nailathala noong 1862.

Ang Pinay singer ay gumanap na rin bilang Eliza Schuyler para sa original London company ng “Hamilton: An American Musical” noong 2017, isang performance na naging daan upang magwagi siya ng isang Best Actress award mula sa BroadwayWorld UK. 

Please follow and like us: