Random drug testing isinagawa ng PPA


Isinailalim sa surprise random drug test ang mga empleyado ng Philippine Ports Authority (PPA).

Sa isang pahayag, sinabi ng PPA na negatibo naman sa traces ng paggamit ng iligal na droga ang humigit kumulang 500 empleyado mula sa kanilang Head Office, Port Management Office ng NCR – North at South.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago layon nitong matiyak na malinis sa iligal na droga ang kanilang mga empleyado.

Ito ay bilang pagsunod sa umiiral na Memorandum Order patungkol sa “Drug Free Workplace Policy” na naglalayong magkaroon ng maayos, malinis, at malayo sa droga na mga opisina ng PPA.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *