Rehabilitasyon sa Boracay, nasa 40% pa lamang ang natatapos- Mayor Cawaling

 

Nasa 40% pa lamang ang natatapos sa rehabilitasyon sa Boracay.

Sa panayam ng Radyo Agila kay Malay, Aklan Mayor Ciceron Cawaling, sa ngayon ay hinuhukay pa lamang ang mga drainage system at mga water ultilities na gagamitin sa isla.

Pati aniya ang mga kinukumpuning kalsada sa isla ay wala pa sa kalahati ang natatapos.

Posible aniyang maihabol sa re-opening ng isla ang mga kinukumpuning kalsada pero hindi isandaang porsyento itong maisasama.

Alam mo isla ito eh ang pag-travel lang ng mga heavy equipments sa isla eh napakahirap na tapos may rehabilitasyon pa. So sa nakikita ko hindi lahat siguro ng kalsada at certain portion lang ang maisasama”.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *