Rematch ng Pacquiao-Horn, posibleng gawin sa Pilipinas – DOT

Inanunsiyo na ng  Department of Tourism ang posibilidad na sa Pilipinas isagawa ang rematch nina Senador at Pambansang Kamao Manny Pacquiao at WBO Welterweight Champion Jeff Horn.

Ayon sa DOT, kabilang sa mga pinagpiliang venue ang Philippine Arena sa Bocaue Bulacan na maaring itapat sa birthday ni Pacquiao sa December 9.

Pero ayon kay Pacquiao, may isinasagawa pang negosasyon at hindi pa pinal ang desisyon.

Kung siya ang masusunod mas gusto niya na sa Pilipinas gawin ang laban.

Kung matutuloy posible  na samatalahin ni Pacquiao ang isang buwang bakasyon ng Kongreso sa Nobyebre para isagawa ang pagsasanay.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *