Resulta ng 2023 Bar Exams, ilalabas sa Disyembre 5

Iaanunsiyo ng Korte Suprema sa Disyembre 5 ang resulta ng 2023 Bar Examinations.

Gaganapin ito sa courtyard ng Supreme Court sa Padre Faura, Maynila.

Ayon kay 2023 Bar Exams Chair at Justice Ramon Paul Hernando, maglalagay din ng LED walls sa SC courtyard para ipakita ang listahan ng mga pumasa sa pagsusulit.

Bubuksan aniya sa publiko ang SC courtyard mula 12:00nn-6:00pm para sa mga nais na sumaksi sa Bar Exams announcement at makita ang resulta.

Ilalagay din sa iba’t-ibang official social media pages ng Korte Suprema ang resulta ng Bar Exams.

Mahigit 10,380 examinees ang nakatapos ng pagsusulit na idinaos sa 14 na Local Testing Centers noong Setyembre 17, 20, at 24.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *