Retired Army Major Gen. Jovito Palparan Jr. isa sa mga nagparehistro sa special satellite registration ng Comelec sa Bilibid

Maaari nang makaboto sa mga susunod na eleksyon si retired Army Major General Jovito Palparan Jr. matapos na makapagparehistro sa idinaos na special satellite registration ng Commission on Elections (Comelec) sa New Bilibid Prisons (NBP).

Si Palparan ay nakulong dahil sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan noong 2006.

Inilipat si Palparan sa Bilibid noong 2018 mula sa military detention.

Kuwalipikado na magparehistro sa eleksyon si Palparan kahit ito ay convicted dahil inaapela pa nito ang hatol na guilty laban sa kaniya ng Malolos court.

Kinuhanan ng Comelec personnel si Palparan ng biometrics o ng kaniyang mga larawan, thumbmark at lagda bilang bahagi ng voters registration.

Hindi naman pumayag ang mga opisyal ng BuCor na makapanayam ng media si Palparan.

Ayon sa BuCor, kinakailangan ng otorisasyon mula sa Department of Justice (DOJ) bago ma-interbyu si Palparan lalo na’t itinuturing itong high-profile inmate.

Sinabi ng Comelec na may karapatan pa rin bumoto ang mga preso basta nakabinbin pa ang apela sa mga kaso nito.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *