Ricky Lo (1946 – 2021 )

Pumanaw na ang beteranong entertainment columnist at Editor na si Ricky Lo sa edad na 75.

Hindi naman binanggit ng kampo ni nito kung ano ang sanhi ng kamatayan ni Lo.

Isinilang sa Las Navas , Northern Samar noong Abril 21, 1946 si Lo kung saan nagtapos ito ng AB- English sa University of East.

Nagsimula itong nagtrabaho sa variety magazine sa taong 1969 hanggang 1972.

Mula noon ay naging bahagi siya ng ibat- ibang Entertainment news magazine at naging host din ng ibat-ibang showbiz shows.

Naging columnist at entertainment editor siya ng Philippine Star mula 1986 hanggang sa kasalukuyan.

Naglabas at sumulat din ng article si Lo ng ilang pelikula ng EBC films at NET 25 tulad ng ‘GUERRERO DOS’, ‘Ang Daigdig ko’y Ikaw, Happy Time at Moments.

Please follow and like us: