Ringing Ears, Ano nga ba ito?

Gandang araw po, Kapitbahay! May ilang kapitbahay na nagtanong sa atin kung bakit may pagkakataon na parang may umuugong sa kanilang tenga? Sabi ko naman baka nalipasan ng gutom. Kaya lang pano kung laging ganito ang nararamdaman?

Kaya para makatiyak, nagtanong ako kay Dr. Rene Louie Gutierrez, ENT Specialist, East Avenue Medical Center, ito ang sabi niya, ang Tinnitus o Ringing Ears ay ang nararamdaman sa loob ng tenga. Batay sa mga pagsusuri, mas maraming kalalakihan ang nakararanas nito na ang edad ay 40 pataas.

Sabi ni Doc, ito ang tunog na napoproduce sa tenga na nakakapagpairita sa daily activities ng isang tao. Karaniwan sasabihin ng pasyente ay parang may umuugong sa kaliwa o parehong tenga. Ang sound ay parang tumitibok tibok, kapag ganito puwedeng may problema sa blood vessels pero kapag tuloy-tuloy ang ugong posibleng ang involve ay nerves sa loob ng tenga.

Kapag may ganitong sitwasyon o problema, mahalaga na ma-describe ng pasyente kung anong klaseng pag-ugong ang naririnig, high or low pitch ba, o parang hangin na bumubuga?

Alam ba ninyo mga kapitbahay na sabi nga ni Doc Louie, kahit yung tutule ay pwedeng maging dahilan ng pag-ugong ng tenga. Kaya importante na masuri. Ano nga ba ang mga sanhi o bakit nagkaka tinnitus? Ito ang sagot ni Doc Louie…

  • otitis externa o pamamaga ng outer ear-impacted cerumen, may bara sa loob ng tenga-may naipong tubig o hangin sa loob ng tenga dahilan para magkaron ng pagtaas ng pressure

Ilan lamang ito sa mga kadahilanan, kaya mas mabuting magpatingin sa duktor o sa isang espesyalista.

Tandaan na ang tinnitus ay hindi sakit. Ito ay sintomas o senyales na hindi dapat na ipagwalang-bahala para hindi umabot sa kumplikasyon.

Sana ay nakatulong ang ating topic ngayon.

Please follow and like us: