Rubin, tinalo ni Murray sa 2nd round ng ATP Winston-Salem Open

Andy Murray of Great Britain returns a shot to Noah Rubin during their first round match at the Winston-Salem Open at Wake Forest Tennis Complex on August 22, 2021 in Winston-Salem, North Carolina (Photo by GRANT HALVERSON / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)

WASHINGTON, United State (AFP) – Dinomina ni Andy Murray and 2nd round ng ATP Winston-Salem Open at tinalo ang American player na si Noah Rubin.

Matapos ang mabagal na simula ay bumawi si Murray para talunin si Rubin sa score na 6-2, 6-0 sa loob lang ng 58 minuto.

Si Nick Krygios ang naka-schedule na makaharap ni Murray, subalit umatras ang Australian player bago magsimula ang kanilang match.

Ayon kay Krygios, umurong siya dahil sa iniindang sakit sa kaliwang tuhod at nagpasyang magpahinga na lamang bilang paghahanda na rin sa darating na US open.

Inabot ng 45 minutos bago nakapagpasya ang organizers na ang Amerikanong manlalaro na ang iharap kay Murray.

Ang 13th seeded na si Frances Tiafoe naman ang sunod na makakaharap ni Murray.

Agence France-Presse

Please follow and like us: