Sandra Cam at 6 na iba pa ipinaaaresto na ng Manila RTC kasunod ng pamamaslang kay Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III

Ipinag-utos na ng Manila City Regional Trial Court ang pag aresto kay PCSO Director Sandra Cam at 6 na iba pa.

May kaugnayan ito sa kasong frustrated murder at murder na isinampa laban sa kanila kasunod ng pamamaslang kay Masbate Vice Mayor Charlie Yuson at sa bigong pagpatay sa kasama nito na si Alberto Alforte IV noong 2019.

Batay sa inilabas na kautusan ni Manila RTC Branch 42 Judge Dinnah Aguilar Topacio, kasama rin sa pinaaaresto sina Marco Martin Cam; Nelson Cambaya; Junel Gomez; Bradford Solis; Juanito de Luna; at Rigor Dela Cruz.

Nakasaad sa kautusan ng korte na may sapat na basehan upang panagutin sa kasong frustrated murder at murder si Cam at ang mga kapwa akusado nito.

Para sa kasong frustrated murder, maaaring magbayad ng pyansang 200 libo ang bawat akusado.

Pero ayon sa Korte, hindi pwedeng magpiyansa ang mga ito sa kasong murder.

Madz Moratillo

Please follow and like us: