Sapat na bilang ng contact tracer sa bansa tiniyak

May sapat na contact tracer sa buong bansa.

Ito ang tiniyak ng Department of Interior and Local Government kasunod ng patuloy pang pagtaas ng COVID- 19 cases sa bansa.

Sa isang virtual press conference, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na sa kabuuan ay mayroon silang 255,854 contact tracer sa buong bansa.

Ang kontrata ng mga contact tracer na ito aniya ay para sa 6 na buwan.

Tiniyak naman ni Malaya na mayroong pondo para sa kanila na aabot hanggang sa Hunyo ng taong ito.

Pagkatapos nito, muli aniya silang lalapit sa Kongreso para humingi ng karagdagang pondo na sasapat hanggang sa katapusan ng taon.

Madz Moratillo

Please follow and like us: