Mayor Sarah Duterte, nakapanumpa na bilang bagong miyembro ng LAKAS- CMD

Ilang oras matapos magbitiw bilang Chairman ng Regional party na hugpong ng pagbabago ,nanumpa si Davao city Mayor Sara Duterte – Carpio bilang bagong miyembro ng LAKAS – CMD.

Sina Senador Ramon Bong Revilla bilang Chairman at House majority leader Martin Romualdez na pangulo ng LAKAS – CMD ang nanguna sa panunumpa ng alkalde.

Ginawa ang panunumpa matapos itong dumalo sa kasal ng anak ni Revilla na ginawa sa kanilang farm sa Cavite.

Sa kabila nito, wala pang klarong announcement kung sasabak nga ba ang alkalde sa Presidential elections.

Pero ayon kay Romualdez , may magandang track record si Duterte bilang alkalde at isa itong magiging malakas na kandidato na makakatulong sa kanilang partido.

Meanne Corvera

Please follow and like us: