Satellite registration ng COMELEC sa Muntinlupa, maagang dinagsa ng mga magpaparehistro

Ala-5:00 pa lamang kaninang umaga ay mahaba na ang pila ng mga nais magparehistro sa satellite registration ng COMELEC sa SM Muntinlupa, dahil ito lamang ang bukas na registration site sa Muntinlupa City.

Inaalam naman ng mga security guard kung kumpleto na ang dalang requirements ng mga magpaparehistro, sakaling kulang ay pinapayuhan ang mga ito na kumpletuhin muna at saka na lamang pumila ulit, para hindi masayang ang kanilang oras.

Ang mga may kumpletong requirements ay diretso nang pinapipila sa waiting area ng parking lot sa likod ng SM Mall.

May mga nakaayos na silya na maaari nilang maupuan habang naghihintay, habang may mga tauhan din ng pulisya na nakabantay upang matiyak na nasusunod ang tamang health at safety protocols.

Ang pagpaparehistro sa satellite registration ng COMELEC sa SM Muntinlupa ay tatagal hanggang Setyembre 30.

Marina Ferrer

Please follow and like us: