Schedule ng pagpaparehistro ng mga botante sa Tabuk, Kalinga inilabas na ng Tabuk City COMELEC

Iniilabas na ng Tabuk City Commision on Election o COMELEC, ang schedule ng pagpaparehistro ng mga kwalipikadong botanteng mamamayan sa lungsod ng Tabuk.

Batay sa schedule, ang araw na maaaring magsadya sa COMELEC para magparehisteo ay tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8:00 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon. Sarado naman ang tanggapan kapag Sabado at Linggo.

Paalaala naman ng COMELEC sa publiko, magparehistro kaagad bago ang deadline. Huwag ding kalimutan na magdala ng sariling ballpen at alcohol.

Hindi rin papayagang makapagpa-rehistro ang walang suot na face mask at face shield. Kapag nasa loob naman ng tanggapan ng COMELEC ay dapat mahigpit na sundin ang social distancing upang maiwasan ang posibleng hawaan.

Ulat ni Xian Renzo Alejan

Please follow and like us: