Search and rescue operation sa gumuhong gusali sa Pampanga, nagpapatuloy

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operation sa gumuhong apat na palapag na mini supermarket sa Porac , Pampanga .

 Sa panayam ng Radyo Agila kay Pampanga Governor Lilia Pineda, meron pa umanong naririnig na boses ang mga rescuer mula sa gumuhong gusali at nagpapasaklolo.

Ang four-storey building ay kinalalagyan ng mga sumusunod , sa unang palapag ang mini supermarket; ang second floor ay ang opisina; ang third at fourth floor naman ay nagsisilbing dormitoryo ng mga babae at lalaking empleyado.

Ayon kay Governor Pineda, kung bibilangin, ay walo ang patay sa Porac at kung isasama pa ang dalawa sa Lubao ay nasa sampu ang bilang ng namatay.

Nagtungo si Pineda sa mga pagamutan na pinagdalhan ng nasa 20 dinala sa iba ibang ospital upang mabigyan ng kaukulang financial assistance na kung kakailanganing ilipat sa mga private hospitals ay maisagawa na kaagad.

Patuloy ang search and rescue operation sa Chuzon building na tinamaan ng 6.1 magnitude na lindol sa Porac, Pampanga
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *