Search and Rescue operations sa Porac, Pampanga, ititigil muna

Sinuspinde muna ang Search and Rescue operations sa mga posible pang survivors sa gumuhong Chuzon supermarket sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Porac Mayor Condrito Dela Cruz, ito’y dahil sa malalakas na aftershocks na naitala sa 4.5 kaninang madaling araw.

Lumiliit na rin umano ang tyansa na may natitira pang buhay sa ilalim ng gumuhong gusali matapos ang lindol noong Lunes.

Hindi pa malinaw ngayon kung ilan talaga ang na-trapped sa gusali.

Iginiit ni Dela Cruz na maaaring malagay sa panganib ang buhay ng mga rescuers dahil sa patuloy na pag-ugoy ng lupa.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *