Secretary Vic Rodriguez hindi na dadalo sa pagdinig ng Senado

Hindi na makakasipot si Executive Secretary Vic Rodriguez sa mga pagdinig ng Senado sa naunsyaming sugar importation.

Sumulat si Rodriguez sa Chairman ng Blue Ribbon Committee na si Senador Francis Tolentino at humingi ng paumanhin.

Sa kaniyang sulat sinabi ni Rodriguez na magiging abala kasi siya sa mga state visit ni Pangulong Bongbong Marcos.

Katuwiran pa ng opisyal humarap na siya sa unang pagdinig at doon nasabi na niya na ang mga kinakailangang impormasyon bukod pa sa hindi naman natuloy ang plano sanang importasyon ng 300 thousand metric tons ng asukal.

Sa nakaraang pagdinig ng komite, inimbitahan pero hindi nakasipot si Rodriguez dahil abala raw sa cabinet meeting sa Malacañang.

Meanne Corvera

Please follow and like us: