Sen. Trillanes magsasampa ng libel case kay Mocha Uson at dalawang iba pa dahil sa paglalabas ng kaniyang umano’y bank accounts

Inihahanda na ni Senador Antonio  Trillanes ang kasong libelo na isasampa laban kay Presidential Communication Office Assistant Secretary Mocha Uson, Journalist na si Erwin Tulfo at isang Correspondent ng isangTV station.

Itoy dahil sa paglalabas ng mga bogus o pekeng impormasyon kaugnay ng umanoy labindalawang bank accounts sa ibang bansa.

Itinanggi ni Trillanes ang mga alegasyon laban sa kanya at iginiit na halatang nag-iimbento lang ang kaniyang mga kritiko.

Batay aniya sa kanilang ginawang research, hindi nag-e exists ang

ilan sa mga bangkong umanoy mayroon siyang savings account.

Kabilang na rito ang Hongkong Shanghai Bank sa Singapore at iba pang bansa.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *