Sen. Trillanes, nagpapapansin lang kaya kung anu-ano ang ibinabatong alegasyon sa mga kapwa niya Senador – Senate Pres. Pimentel

Binuweltahan ng mga kapwa mambabatas si Senador Antonio Trillanes matapos silang tawaging rubberstamp at puppet ng Malacanang.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, tila nagha-hallucinate na si Trillanes.

“I don’t know where he is coming from and I’m not even  sure if he is still rationale in his thinking. One thing I’m sure about, he is dead wrong. He is so out of touch with reality, if not hallucinating too much. Calling one’s own colleagues “cowards” or “puppets” wholesale and without qualifying, is the darnest thing he can do”. – Sen. Lacson

Sabi ni Lacson tila wala na sa matinong pag iisip si Trillanes dahil malayo na sa realidad ang mga alegasyon nito laban sa mga kapwa mambabatas.

Nanindigan si Lacson sa pagiging independent at hindi ito nagpapadikta sa anumang  nais ng palasyo.

Si Senate President Aquilino Pimentel, ayaw nang patulan si Trillanes.

Maaring  nagpapapansin lang ito sa media kaya paulit ulit ang mga walang batayang alegasyon.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *