Sen. Trillanes nangangalap na ng impormasyon paano pinalusot ni BOC Comm. Faeldon ang ₱6.4B na halaga ng shabu

Kinumpirma ni Senador Antonio Trillanes na nangangalap na ito ng mga ebidensya kung paano napalusot ang mahigit animnaraang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 6.4 billion pesos.

Tumanggi muna si Trillanes na magbigay ng detalye sa mga pinanghahawakan nitong impormasyon kung saan idinadawit ang kaniyang kasamahan sa magdalo si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Posibleng ilabas niya ang impormasyon sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Bukas itutuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig kung saan kasama sa pinahaharap ang mga negosyanteng consignee ng kontrabando.

Nauna nang lumitaw sa pagdinig ng Senado na pinadaan sa express lane ang mga kargamento na nangangahulugang hindi sumailalim sa inspeksyon.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *