Sen. Trillanes nasa Singapore na para busisiin ang mga umano’y deposito niya sa bangko

 

Nasa Singapore na si Senador Antonio Trillanes IV para personal na beripikahin sa isa sa mga bangkong tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabing bank account nito.

Nagtungo si Trillanes sa Development Bank of Singapore para busisiin ang sinasabing deposito nito na may account number 11780 00281 60 2.

Sinabi ni Trillanes na layon nito na patunayan na mali ang mga alegasyon ng punong ehekutibo sa kaniya at matapos nito ay muli niyang hahamunin ang Pangulo at anak nito na si Vice Mayor Paolo Duterte na lumagda rin sa waiver sa Bank Secrecy Law.

Sa alegasyon ng Pangulo, nasa 12 ang bank accounts ni Trillanes sa ibat ibang bansa.

Kasama na rito ang account sa  Zurich na may balanse ng  $75,000 o P3.8 million atSingapore DBS account na may 193, 000 na hindi binanggit ang denomination na sinasabing nakuha ng Senador sa kanyang backchannel talks para sa Scarborough Shoal.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *